An Open Letter to Ica Policarpio

Dear Kiddo,

Kumusta ka na? Alam kong sobrang saya ng pamilya mo kasi magkakasama kayo ngayong pasko. Alam mo ang daming nagdasal for you. Dito sa PAB ang daming beses nashare ang post yung paghahanap sa yo.

Lahat nagtulong-tulong sa pagdasal at paghahanap. Lahat nagkaisa kahit anupaman ang kulay sa pulitika. Hindi na importante sa amin ang reason  bakit ka nawala. Ang importante nakita ka na ligtas at masaya ang pamilya mo na nagdiwang ng Pasko.

Kiddo, lagi mong iisipin ha na mahal na mahal ka ng family mo. Pag sa oras na nalulungkot ka sa anumang kadahilanan, always go back sa pagmamahal ni Mommy, Daddy, Ate at Kuya mo sa yo. Kasi pagmamahal na yun ang papawi sa anumang lungkot at pangamba na nandiyan sa puso mo.

Alam ko lalaki kang mabuti, kasi mayroong mabuting pamilya na gagabay sa yo. Bukod sa pamilya, may isa pang nagmamahal sa yo ng sobra, si Papa God. Lagi mong tandaan na lagi din syang nandiyan para sa yo.

Merry Christmas and Happy New year sa yo at sa family mo.

Nagdadasal para Sa ‘yo,

Ate PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *