Open Letter to the Honorable Justices of the Supreme Court

Dear Honorable Justices,

By now nalaman niyo na siguro na ang daming nagfile ng intervention to oppose the Quo Warranto na nafile ni Sol Gen. Calida.

Una ang IBP, grupo ng mga abogado. Alam kasi nila ang batas. Sana po marealized niyo po na labag po sa batas ang gustong mangyari ni Calida.

Ang Makabayan bloc, nagfile na rin.

Kung hindi niyo po napapansin lahat ng organisasyon tumututol na po. Kaliwa man o kanan pinaglalaban na ang Saligang Batas.

Ang pinakahuling nagfile today ay ang grupo nila Father Reyes.

Ang dami pang magfafile sa mga susunod na araw for sure.

Alam po namin na may away kayo sa loob ng opisina, pero wag po sana tayong mag asal highschool na may mean girls at mga bully. Itaas sana natin ang kalidad ng Korte Suprema. Iwasan natin maging ampalaya. Iwasan natin magpadala sa mga matatamis na salita ng Hudas.

Kasi pag nagKamali po kayo sa pag decision, for sure taong bayan ang inyong makakalaban.

Bilang Justices ng Supreme Court, obligasyon niyo na ipatupad ang Saligang batas. Obligasyon niyo na ibasura ang quo warranto.

Give CJ Sereno a chance to defend herself in an impeachment proceedings.

Follow the law. Be fair.

I Stand With CJ Sereno,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *