An Open Letter to Henry Sy

Dear Mr. Henry Sy,

Merry Christmas po. Nabasa ko po ito sa dyaryo. Resibo.

Inquirer Article SM Clerk stole Can of Corned Beef | Pinoy Ako Blog

Nangyari daw po ito sa branch ng Save More sa Sta. Ana. Di ba po kayo ang may ari ng mga Save More?

Sir, hindi ko po sinasabi na tama ang ginawa ni Mr. Tanglao, mali po talaga ang magnakaw. Kaya lang po, sa halagang P31.50 sana po mapatawad niyo po sya.

Base sa kwento niya, talagang gutom lang daw po talaga sya. Resibo.

Broke and Hungry SM Clerk Article | Pinoy Ako Blog

Isipin niyo po na kahit wala po syang pera ay pumasok pa din sya. Kaya lang hindi niya talaga nakayanan po ang gutom kaya siguro nakain niya ang corned beef.

Sir, bilyon bilyon po ang kinikita po niyo sa mga negosyo niyo po, gasino na lang po ba na patawarin niyo na lang po sana yung tao sa pagnakaw ng P31.50 na corned beef.

Mas malaki pa po magagastos niyo sa pag photo copy ng complaint eh. Sana po bago magpasko ay mahanap niyo po sa puso niyo ang kapatawaran, para naman po makapag Pasko si Mr. Tanglao sa piling nang pamilya niya.

Kung hindi niyo po talaga siya mapapatawad, bayaran ko na lang po ang P31.50.

P31.50 for Henry Sy | Pinoy Ako Blog

Merry Christmas po, Mr. Henry Sy.

Peace be with you,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *