AN OPEN LETTER TO GENERAL BATO

Dear BATO,

Question :

  1. Bakit po pinapayagan niyo si Bong Revilla na may gadget sa loob ng kulungan?
  2. Anong gadget ang pinapuslit niyo laptop or phone?
  3. Bakit niyo po pinayagan magrecord ng video si Sen. Bong Revilla? Di ba po bawal ang camera sa loob?

Why I am saying this? Ayan po, very active ang Lolo nyo po sa FB. At may video greeting at sing and dance pa nung birthday ni Mayor Lani.

Mga boss naman, PLUNDER ang kaso niyan, wag nyo namang gawin to sa mamamayang Pilipino. Pag mahirap na drug user, pinapatay agad? Pag ang kaso PLUNDER pa FB2x lang?

Mahiya naman po tayo sa taong bayan. Nung panahon ni DeLima as DOJ secretary, galit na galit tayo sa mga gadget na nahuli tapos nang malaman natin na nakapag record pa ng MTV si Colangco, halos isumpa natin ang DOJ. Ngayon presidente na si Duterte, wala pa ding pagbabago? Mas garapal pa kasi mismo sa Camp Crame nagkakaroon ng ganitong klaseng KABALAHURAAN.

Sir, hindi nyo na nga masolve ang kaliwat kanan na patayan ng mga MAHIHIRAP, tapos binibigyan nyo pa ng ganitong prebilihiyo ang mga may kasong PLUNDER. Just like the korean murder, it happened under your watch and under your TURF!

Nakakahiya po. Magresign na lang po kayo Gen. Bato!

Naiinis na,
PAB

#ChangeScamming

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *