An Open Letter to General Bato

Dear General Bato,

Balita ko po gusto nyo daw mag senador pagdating ng araw. Gusto nyong gayahin siguro po si Sen Ping Lacson no?

Nakita ko po itong interview nyo na sinabihan nyo po ang CHR na imbestigahan yung pinuputulan ng ulo ng mga Abu Sayaf. Naloka po ako, kasi mukhang WALA ka pong alam kung ano ang functions ng Commission on Human Rights. Paano ka mananalo niyan kung ang basic functions ng ahensya ng gobyerno ay hindi mo alam.  Pero sige simsimplehan ko ang explanation ha,  gagayahin ko yung nabasa ko sa facebook na pag explain.

“Alam mo bes, ganito kasi yon. Mag-chill ka muna jan. Kapag kasi may nabiktimang citizen—nirape, napatay or pinatay—sa prosecutors’ office ang punta nila girl (as the case may be kasi madami pa exception fam). Hindi sa CHR. State ang mag-fifile against the accused. Kaya nga People vs. Name of the Offender, mga bessy. Syempre since ang pagpugot sa ulo ng mga Abu Sayaf ay isang krimen, naturalmente po, kayong mga alagad nang batas ang magiimbestiga hindi po yan trabaho ng CHR.

So ano ngayon eksena ni CHR? Eto na yun, beshie. Kapag over-over na sa OA si State. Kapag niyurakan na niya pagkatao ni ACCUSED. Like pinapatay na lang na walang due process. Like wala na siyang karapatan ganon. Like kinukulong sila sa parang kulungan ng aso at ginagawan silang gatasan ng mga kabaro mong pulis. Kasi nga, hello, napag-bintangan plang siya. So sino nlang magtatanggol kay accused eh si State kampi kay offended party? Ayun na, si CHR na mga bessy. Yan po ang basic function ng CHR.  Gets nyo na po Sir Bato?

Kaya wag mo sabihin pinagtatanggol ni CHR mga criminal at pano naman yung mga nabiktima kasi may sari-sarili silang roles. Kaya i-chill mo yang sarili mo, chat mo ko kapag may tanong ka, okay fam? 😂”

So I guess madami ka pang kailangan basahin Sir bago ka mag ambisyon kumandidato. Palpak nga kayo as PNP chief,  tapos nag ambisyon pa kayo sa mas mataas na katungkulan?  Ayusin nyo muna trabaho nyo po. Nakakahiya kasi mga pinag gagawa nyo po, Sir Bato.

Kung may tanong pa po, message lang po kayo.

Handang tumulong,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *