OPEN LETTER TO GENERAL AÑO AND THE PMA

Hello po mga Sir and Ma’am,

First, gusto ko pong magpasalamat sa inyo for keeping the country safe from the terrorists. Gusto ko pong malaman nyo na naapreaciate namin po ang lahat ng effort na ginagawa nyo po. Mabuhay po kayo.

The reason for this letter, gusto ko lang po sana tawagin ang pansin nyo sa behavior ng iba nyo pong kahanay.

A certain Richard Nicanor Carlos posted a fake news. Yung fake news po na sinabi daw ni Maria Ressa ng rappler na 90 person per Minute wanted to rape her. Headline palang alam niyo na pong fake.


Graduate po siya ng PMA, pero ngayon he is working na sa Tollways Management Corporation. The post bukod sa fake na in bad taste pa ang caption. Lantarang pambabastos sa isang babae. Wait till you see the comments.  Kahit pinagsabihan na sila na fake nga ang news, patuloy pa rin nilang binalahura ang thread. I screenshots some comments for you to see and later on I will identify yung alam ko na graduate sa PMA at member Now ng AFP.

Sa mga comment po, we are able to identify mga graduate from PMA  and mga active member ng AFP.

Exhibit A

Sinabi niya po na kamukha ng aso si Maria Ressa, I don’t think na tinuturo yan sa PMA nor it is being tolerated sa AFP. Hindi po bastos ang mga sundalo. Sana po mabigyan nyo po ng kaukulang disiplina.

EXHIBIT B

Sya po ay active member ng AFP. Sa mga ganitong usapin kahit napagsabihan na fake news, ay nagcomment pa din sya sabay tawa. Sir Año, di ba po hindi naman po bastos ang military? Alam ko po with your leadership mas lalo pong tumaas ang respeto ng mga tao sa inyo. Baka may iilan lang po na iba talaga. Pero sana po kausapin nyo po sila kasi po dala nila ang pangalan ng AFP.

EXHIBIT C

Sya po si Friedrich Bruce Bourne. Hindi ko po alam kung member sya ng PNPA OR PMA. Pero kita nyo naman po kung paano niya binastos ang isang babae.

EXHIBIT D

Mark Edwin Moro, from Philippine Army. Look how he used the term rape-able if there is even that kind of word. Nakakatakot isipin na ang member ng AFP ganun magisip sa babae. I hope you will be able to discipline him too.

EXHIBIT E

Armando Bianan, Philippine Marine. Check nyo po ang comment niya. Binastos niya talaga si Maria Ressa even if alam nila na fake news yun.

Nakakalunkot lang pong isipin na may ganitong mentalidad po ang ating mga member ng AFP at PMA alumni. Di ba po very strict po sa proper conduct ang PMA at AFP?  Pero bakit ganito po? This is misogyny.  May mga magulang tayo, ina at kapatid na babae, asawa at anak na babae, mukhang kailangan po nilang magrefreseher sa pagrespeto sa mga kababaihan.

Buti pa po si Sir Mike Logico, pinagsabihan niya mga kasamahan niya. Yang ganyang sundalo po ang dapat bigyan ng commendation.  Good job po Sir Mike Logico.

Sir Año and the head of PMA alumni sana po maksyunan nyo po ito. I believe kailangan nilang humingi ng paumanhin kay Maria Ressa of rappler. Sobrang pambabastos po ang ginawa nila.

Hindi bastos ang mga PMAers at lalong hindi bastos ang members ng AFP.

I’m looking forward to hear from your side po.

Lubos na gumagalang pa din,

PAB

One Reply to “OPEN LETTER TO GENERAL AÑO AND THE PMA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *