An Open Letter to DLSU

Dear Br. Raymundo B. Suplido FSC,

Hi po.

Hindi po ako Alumnus ng DLSU. Hindi po ako magsosolicit. May ipapaabot lang po sana akong reklamo po sa inyo tungkol sa isa niyong guro.  Siguro po, nakarating na sa inyo ang social media behavior ni Professor Contreras. Nakakabahala lang po na may isa kayong empleyado na ganito ang definition ng bullying.

Alam ko po na ang inyong institution ay hindi po nagtotolerate sa bullying. Ang alam ko po kasi kahit sino po puwedeng mabully at dapat po ang sympathy sana ay dun sa biktima. Brother Ray,  this is not the first time na nilait niya ang Vice President ng Pilipinas. Ilang ulit na din pong nabastos si VP Leni. Hindi po ito ang values ng mga taga DLSU, morally upright po ang pagkakilala ko po sa mga taga DLSU. Sana po maipakita niyo po sa mga estudyante at sa mga magulang nila na their children are safe sa school kasi po you don’t tolerate twisted behavior ng isa sa empleyado niyo.

Pag isa sa mga estudyante ay nabubully, hindi po ba pinapatawag niyo po sa guidance office?  Minsan pinagsasabihan, minsan nasususpinde. Same rule po dapat sana ang iaapply sa mga guro OR professor na nambubully.

Ang hinihiling lang po sana namin mabigyan sya ng kaukulang disciplinary action. Lalo na, na he’s in academe, paano niya huhubugin ang values ng bata kung ang values na meron sya ay hahagilapin pa? Sana po you will act on this fairly.

Thank you po and More Power!

Lubos na Gumagalang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *