Open Letter to Ciara Sotto

Dear Ciara Sotto,

Hindi ko alam kung napanood mo ang KABALAHURAAN ng Tatay mo na si Sen Tito Sotto sa session kanina. Kung sakali man hindi mo napanood I am sure dahil trending siya alam mo na by now ang pang “aano” ng Tatay mo kay Secretary Judy.

Puwede pakisabi sa Tatay mo, na wala siyang karapatan bastusin ang mga single mom na katulad mo at ni Sec. Judy, kasi hindi biro ang mga pinag daanan niyo. Siguro ang iba, choice nilang buhayin ang mga anak nila mag isa, pero most of the single mom, ay may mga mabigat na dahilan kung bakit humantong sila sa ganung sitwasyon.

Maaaring, nakipaghiwalay sila sa manloloko nilang asawa, na gaya sa naging sitwasyon mo. Maaring nasa kanila na ang lahat, ganda, yaman at impluwensya, pero humantong pa rin sila sa pagiging single mom kasi ang nahanap nila na makakasama sa buhay ay isang taong ginamit lamang sila, parang ganun sa pinag daanan mo.

Pakisabi sa Tatay mo, na mas dapat pang igalang at hangaan ang mga single mom kasi hindi biro ang magpalaki sa mga anak ng nag iisa. Alam mo yan kasi single mom ka din. Hindi kayo “na ano lang” kaya kayo naging single mom. Wag niya sanang gawing insignifcant ang mga naranasan mo at lahat ng single mom sa buong mundo.

Hindi ko alam kung narealize ng Tatay mo kanina, na habang binastos niya si Secretary Judy, ay parang binastos din niya ang sarili niyang anak.

Maswerte ka, kasi kahit single mom ka, may mga mayayamang magulang na sumusuporta sa yo, pero ang ibang single mom, ay tinitiis ang pagod at hirap mapalaki lang mga anak nila ng maayos. Ginagawang gabi ang araw para lang mapaaral ang kanilang mga anak. Sana man lang maisip ng tatay mo yun.

Hindi ko alam kung nahihiya ka sa ginawa ng Tatay mo, kasi kung ako sa position mo, mahihiya ako, kasi KABALAHURAAN ang pinapakita ng Tatay mo sa buong mundo.

Sa buong buhay niya naka kabit na ang mapait na karanasan ni Pepsi Paloma, ang pagiging plagiarist at yung pag imbento ng mga fact laban sa RH Bill. Tapos ngayon eto naman, ang pagiging bastos sa Senado. Aba, pakisabi wag pakyawin lahat nang masamang katangian. Mag iwan naman siya ng kahihiyan kahit para na lang sa inyo na pamilya niya.

Humahanga ako sa iyo bilang isang single mom, Ms, Ciara Sotto, but i can’t say the same to your BALAHURANG Tatay.

Gumagalang,
PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *