An Open Letter to Atty. Mandy Anderson

Dear Atty. Mandy Anderson,

Hi po. Isa niyo po akong taga hanga. Napanood ko po ang hearing when you stood your ground at hindi nagpabully kay Fariñas. You are right po that what you posted sa FB niyo po is a personal opinion. Pareho po kayong lawyer ni Speaker Alvarez, nag aral ng batas at yung panukala niya about sa CA is a stupid idea.

DDS po pala kayo Attorney Mandy. Pero DDS na mulat at hindi nagtotolerate ng kamalian ng mga tsuwariwariwap ng Pangulong Duterte.

May tanong lang po ako. Yung support po ba na binigay niyo sa pangulo dati ay ganun pa din kabigat hanggang ngayon? Natanong ko lang po, kasi sinabihan niyo po si Alvarez ng imbecile dahil sa kagustuhan niyang iabolished ang CA.  The President also wants to abolished CHR.  Parang pareho din sa sinabi ni Speaker.  I wonder what’s your opinion of that po.

You are matapang and yet very respectful. I wonder po if you also speak up sa mga comments ni Duterte na may rape. The mysoginy is a big issue po sa ating kababaihan. In high time that a DDS should tackle the issue, baka sakaling sumunod po siya sa inyo kasi supporter niya kayo.

They way you answer sa hearing kita ko po talaga na matapang ka, galing nga po eh. Naisip ko lang po if you will be brave enough to speak about the nearly 12000 deaths because of EJK. Mas mabigat na usapan to. Your voice will be a big help sa mga taong biktima at takot magsalita.

Calling out ng mali is good and I admire you for that. But this administration ay sobrang daming glaring na mali na kailangan din pag-usapan.  BAKIT po tayong magiging selective sa pagpuna kung mas marami pang mas malaking issue na kailangan punahin? Dami nang humahanga po sa inyo. Idol na po kayo ng bayan. Sana po you speak up din po sa mga bigger issue, like EJK, corruption, mysoginy and proliferation of fake news.

Sabi nga ni Edmund Burke “The only thing necessary for the triumph of evil is for good men to do nothing.” 

Anyway, more power po!

Isang tagahanga,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *