Open Letter to Aika Robredo

Dear Aika Robredo,

Hi po.

Nakita ko po ang post na to sa “We Are Collecthieves”. Buhay pa pala ang page na yan na walang ginawa kung hindi mag imbento ng kwento. Pasenya na po kayo kung may mga ganitong klaseng Pilipino sa panahon ni Duterte. Pati ikaw na hindi naman kasali sa politika dinamay pa sa panlalait.

Alam ko po hindi ka makakapasok sa Harvard kung hindi ka matalino at emotionally prepared. Alam ko po pinaghirapan nyo po ang application at exam nyo. Just like your Papa, matalino ka din. Walang sinuman ang makakakuha sa iyo nun. I’m sure your Papa is very proud of you in heaven.

Nabasa ko sa post ni VP Leni, na you are applying for an scholarship. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang may hawak ng “we are collecthieves” para mag imbento ng kwento. Hayaan mo Ms. Aika may karma din yan.

Alam ko po, sa mga oras na to na inaapi kayo ng mga demonyo, lalo niyo pong namimiss Papa nyo. Kasi for sure kung buhay sya, he will be at the frontline to fight the battles for you. Or maybe pupuntahan niya kayo sa room nyo at yayakapin kayo para man lang mabawasan ang sakit ng paninirang ginagawa ng mga political propagandists. Or maybe pagtatawanan nyo lang sila kasi alam ng Diyos at alam ng tao na puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi nila.

Miss Aika, wag kang susuko ha. Mas maraming Pilipino ang proud sa yo. Yung mga paninira ng mga propagandista, gawin mo yang stepping stone para magtagumpay ka sa Harvard. Ang tagumpay mo doon ay tagumpay ng bansa natin.

Mahirap man ang maging anak ni VP Leni Robredo at Sec. Jesse, pero alam kong kakayanin mo lahat ng batikos. You will be a woman of strength just like your Mom and you will be a picture of success just like your Papa.

Pero pag minsan feeling mo, down na down ka na, ipikit mo lang mata mo and picture your Papa embracing you and saying ” Everything will be alright, anak “. After that laban uli sa hamon ng buhay.

Mas madami po kaming nagmamahal sa yo at sa family mo po. Mas madami kaming nagdadasal.

God bless you po and More Power,
PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *