Open Letter to AFP

Dear Secretary Lorenzana and General Año,

First gusto ko pong ipaabot ang pakikiramay sa pagkamatay po ni PFC Bartolome sa kamay ng mga pulis. Ipagdadasal ko po na sana po makamit po niya ang hustisya.

Sir, sobrang respeto ko po sa hanay niyo po. Ilang beses niyo na pong pinatunayan niyo sa amin ang inyong katapatan sa constitution at sa bansa. Maraming salamat po sa patuloy niyong pakikipaglaban para po sa kapayapaan sa Marawi.

The reason po why sumulat po ako uli sa inyo, ay dahil po sa video ni Ate Mocha noong pagbisita niya po kasama si President Duterte.  Pinakita niya po doon ang position ng mga sundalo, ng mga gamit niyo po pati ambulance at mga sasakyan. Sir,  alam ko po na isa sa mga dahilan kaya nahirapan po kayong mabawi ang Marawi, kasi pinagplanuhan talaga ng mga Maute ang pananakop. For sure memorize din nila ang bawat terrain at sulok ng lugar. By showing the video po, po ay nalalagay po sa panganib ang buhay ng ating mga sundalo. Pinalabas po ito sa Mocha Uson Blog niya na page po.

Nag screengrab po ako sa video niya po.

Eto po picture po ng mga check point. Pag napanood po ito ng mga terrorista maaari pong lusubin sila po.

Sa video po yan, pinakita niya po kung saan ang location ng ambulance niyo po. Paano po kung isabotahe po yan ng mga terrorista ngayon alam na nila kung saang lugar nakapark?  Paano niyo po maitatransport ang mga sugatan?

Picture po kung saan nakaposisyon ang mga tangke. Sir, higit sa lahat kayo po ang nakakaalam kung gaano po kaimportante ang pagiging discreet sa mga location kasi pag nalaman po ito ng mga kalaban they can use this logistics against sa mga sundalo po natin.

And the last screengrab po, pinakita niya po sa video kung saan po talaga ang station ng mga sundalo. Sa opinion ko po mali po ito. Bakit niya po ilalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga sundalo para lang sa publicity?

Sir, if I remember it right, istrikto po kayo sa mga media sa pagcover ng giyera sa Marawi. Naalala niyo po ba si Jez Eznar? Yung photo journalist na binalahura ni Thinking Pinoy kasi nagpost ng sniper pic sa Marawi? Di ba po nagalit din po kayo?  Balita ko po halos ipa ban po siya sa Marawi. So bakit po si Ate Mocha allowed eh hindi naman po sya legit Media and she’s not even a blogger to begin with kasi po wala naman syang blog site? Sabi niyo sa media po the reason why they are not allowed kasi for their safety, pero po sa video po wala man lang bulletproof  vest or helmet man lang si Ate Mocha. Bakit po double standard po? Bakit po sya pinayagan, bakit po ang mga lehitimong media pinagbawalan po?

Sir,  alam ko po fair kayo sa anumang bagay. Proven ko na po yan so many times. Legit media followed your instructions po kasi po nag aalala din po sila sa inyo at they know how to follow rules. Di ba po unfair po yun na ang isa pang hindi legit na member ng media ang nagbreak sa inyong rules?

Marami na pong namatay na sundalo, dahil lang po sa publicity puwede pang mapahamak ang iba. Her video does not even featured how our soldiers fought for the country, ni walang pasasalamat. She used that video to promote herself. Sabi niya at the end she is the legit media. Why?  Just because she was able to take videos sa war zone. Kahit ikakapahamak pa ng mga sundalo?

Sir, I know po you will act swiftly on this po. Kayo po ang taong hindi nagtotolerate ng mali. Alam ko po kung gaano niyo kamahal ang hanay niyo at ayaw niyo din silang mapahamak.

Maghihintay po ako Sir sa response niyo po. Muli, maraming maraming salamat po sa patuloy na pagsasakripisyo niyo para po sa kapayapaan ng nakakarami.

Lubos na Gumagalang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *