Nuisance Candidate Noon, SBMA Chairman na Ngayon

Dear Martin Dino,

Kumusta po? Ang layo ng narating nyo from considered nuisance candidate dati na ngayon ay Chairman na kayo ng SBMA.

Tapos yung anak niyo po nakapwesto na din na si Liza Diño at ang iyong son in law na si Aiza Siguerra. Yung mga maid niyo po? Wala pang pwesto?

Tanong lang ako ha,  bakit naman po 16 ang bodyguard niyo? Nakakaloka ha. Pang private armies ang dating. Daig niyo pa ang ibang Senador. 2.8 million ang binabayad ng taong bayan sa bodyguard niyo.  Alam niyo ba kung ilang street children na ang mapapakain niyan? Ilang estudyante ang makakapag aral?

Alam ko, malaki ang utang na loob ni Duterte sa inyo, pero wag naman ganun kagarapal ang ang pagsalaula ng pera ng bayan.

Ginawa niyo na ngang sarswela ang election, ngayon naman pati paglaspag ng pera ng bayan wala ding pakundangan?

16 bodyguards? Paano po yun, 4 sa unahan, 4 sa likod, 4 sa kaliwa, at 4 sa kanan? Luh grabe siya, feeling peymous. 😏😏😏

Puwede pong tubuan ng delikadesa at konsensya. Puwede din po magkaroon ng kahihiyan. Or kahit awa na lang sa pera ng bayan.

Yamot sa Feeling Peymous,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *