WE ARE NOT BURGIS TEDDY CASIÑO

Dear Teddy Casino,

I guess you missed the point.

First, yung house na nabigay sa kanila, merong may ari yan. Binabayaran nila buwan2x mula sa buwis buhay nilang trabaho. Napilitan ang pamahalaan itong ibigay ang mga bahay because they occupied it ILLEGALY. Yun po ang kinakagalit ng mga ordinaryong mamamayan na nagpapakahirap mag apply sa Pag-ibig para lang magkabahay at yung mga mahihirap na tumitira sa kariton at naghahanap buhay ng bote dyaryo para lang may makain ang pamilya nila.

Yes, gusto namin mag kabahay sila pero sana hindi sapilitan at dinaan sa palakasan at dahas.

Second, nang binigay ng gobyerno sa kanila ang pabahay alam nilang hindi pa tapos ang unit alam na nila kung saan ang location at alam na nila kung ano ang itsura. Tapos makakarinig pa ng reklamo na masyado maliit ang bahay? Wow naman, hindi po ba nakakainis? Samantala yung iba nga nangungupahan pa din pero sila may bahay na, reklamo pa din?

Third, yung nabigay na nga ang bahay, magrereklamo pa na walang tubig at kuryente? Hindi ba puwedeng sila naman mag asikaso nun? Hindi ba puwedeng maghanap buhay naman sila para magka pera sila pampakabit ng tubig at kuryente?

Fourth, may nagrereklamo pa na malayo sa palengke, eskwela at hospital. Poor Diyos por Santo naman, kayo ang nag occupy illegally niyan di ba? Alam nyo ang location before it was given to you, ngayong naibigay na magrereklamo kayo sa location?

Just like anybody else we want Kadamay na magkaroon ng magandang buhay but not at the expense of others property.

It is not being burgis, Mr. Teddy Casino, pinupuna lang namin ang mali sa mga nangyayari. Sana naman magkaroon sila ng gratitude sa mga naibigay sa kanila. Matutong magbanat ng buto, para may makain at may maibuhay sa pamilya. Ang pagrarally po ay hindi regular na hanap buhay kahit sabihin pa na bayad sila.

Maging masipag para makaahon sa kahirapan. Wag ingrato sa mga biyayang naibigay kasi yung iba kanda kuba na sa pagtatrabaho pero walang sariling bahay!

Wag niyong itolerate ang mali.

Gumagalang,
PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *