Not An Ordinary Love Story

Dear KaPAB,

Dito sa Pinoy Ako Blog, I already consider you as an extension of my family. Now na may bagong yugto sa buhay ko, gusto ko pong ishare sa inyo.

Naalala niyo po ba si DDS boyfriend? Yung kwento ko po dati? Eto po yung story namin. Nablog ko na po ito dati.

Dilawan and DDS Love Story

 

We have been going on for more than 4 years. Magkaiba man ang political leanings still we survived. Minsan nag-aaway din po kami pero nagkakasundo din.

Walang masama kung magdiskusyon kayo sa mga nangyayari, ang importante hindi kayo nagmumurahan at nagbabastusan. At sa huli pag-ibig pa din ang mananaig.

Matagal na kaming engaged, usapan namin magpakasal sa 2021 pag graduate na ako sa law school. But last June nakiusap siya na kung puwede daw na next year na kami magpakasal. And pumayag po ako!

Simpleng kasal lang po next year ang plano namin. Bakit ko nga ba kinikwento ito sa inyo? Kasi gusto ko lang ibahagi na puwede namang magkasundo kahit magkaiba ang political leanings. Huwag niyo din susukuan ang mga mahal niyo sa buhay na DDS. Kasi may pag-asa pa na makita nila kung ano talaga ang tama.

Maaaring nagsimula kami as Team DDS ❤️ Team Dilawan. Pero ngayon at next year sa kasal namin, magiging Team Pilipinas na kami.

Sa lahat ng ito #lovewins!

 

Dilawan Na Nagmahal sa Dating DDS,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *