Cayetano, ayaw sa online Passport Appointment System?

Narinig ninyo po ba yang balita na ayaw ni Sec. Cayetano ng Department of Foreign Affairs sa Online Passport Appointment System? Sabi po kasi ng The Philippine Star (yung nag bigay kay Ate Mocha ng column) na nagutos si Cayetano na pag-aralan ang Passport Appointment System at ilang reporma para masbumilis ang passport application. Inaasahan daw po ni Sec. Cayetano na sa pagbalik nila ni Tatay Digong galing sa Russia may report na ang mga tao tungkol dito.

Kaya po ba yung Security ng Passport Appointment System ay pinababayaan na lang ng Gobyerno?

12 days na po kasi, ayaw pa I-renew yung Security Certificate ng Passport Appointment System. Eto po yung padlock na nasa tabi ng webpage. Ang ibig pong sabihin nito ayon sa mga experto ay  pupuwede ka magtiwala na “secure” yung pag-access ng Passport Appointment System natin mga Pilipino. Pagwala po nito kahit sino na lang pupuwede malaman ang mga personal ninyo po na impormasyon ng wala ninyong pahintulot.  Hindi po ba nakakatakot yun?

Marami po mali sa Passport Appointment System. Isa po sa pagkukulang itong renewal ng Security Certificate. Mabagal din po ang pag processo ng passport. Pag nag apply ka, buwan ang pila bago ka maka kuha ng schedule. Maari po na madaming dahilan. Madami tao talaga ang interesado na mag ka passport o magrenew ng passport. Wala naman po masama doon. Pero yung pagbalik sa dating sistema na… kung gusto mo huminigi ng special treatment para makakuha ka ng passport agad-agad, or maghahanap po tayo ng kakilala para mapabilis ang proceso… hindi po ba yan yung mali na dapat natin itama?

Ang pagkuha ng Visa papunta sa ibang bansa may processo din. Sa U.S. Embassy, halimbawa, buwan din naman po ang pila sa pag-aaply para sa Visa. Walang pagkakataon na maghanap ng special treatment o kakilala. Walang rush job. Kung gusto mo umalis at mag punta sa America, mag-online ka and mag-paschedule online. May processo, may oras ng appointment at may pila.

Siguro po ang pupuwede gawin para sa mga magre-renew ay may lane para sa kanila at alam mo naman kung ilang tao ang mag-aaply. Simple lang naman po ang mga requirements. Ang ilang halimbawa: lumang passport at application form, at ID. Kelangan lang po siympre malaman ng taga-DFA na una, totoong tao ka. Pangalawa, hindi fake yung passport mo. Magbayad ng fee at mag-pa picture, bio-metrics at prima mo. Mabilis po ang processo.

Masmadami po ang requirements ng Bagong nagaaply. Nandyan na po ang NSO– lahat po kelangan upang mapatunayan na ikaw yun

Maari po siguro na para sa OFW iba ang lane. At maari po siguro sa mga bagong applicant na hindi naman po OFW meron din po na lugar para sa kanila. Hindi naman po siguro masmadami ang nagaaply ng passport na hindi OFW? O iba pang combination. Ang Online Application naman po malalaman ninyo kung gaaano kadami ang nag apply per year ng bago, ng renewal at nag-aaply dahil OFW sila. Hindi po ba ang ganitong impormasyon makakatulong ng madami para makapagdecisyon si Sec. Cayetano o kahit sino pong magiging kalihim ng DFA kung papaano bibigyan importansya ang mga nag-aaply ng passport at kung papaano mapablis ang processo.

Sa America pupuwede po mag mail ng passport renewal.  Sigurado po ako na ang mga tao ni Sec Cayetano ay masmadami at mas ayos pa ang mga naisip na idea, pero sigurado po ako na dahil meron na po na nasimulan Passport Appointment System, bakit po ba ayaw natin ituloy at improve? Sana po wag pabayaan. Pera naman po yan ng Bayan.

Marami ang nagsasabi na puro reklamo si PAB. Ayan ha, Sec. Cayetano may mga suggestion na akong binigay.

Ang problema po sa isang process ay hindi po nasosolve sa pag alis nito bagkus tingnan kung saang part maaring iimprove ito. Yan po ang tamang pag apply ng skills sa problem solving.

Laging isaisip ang kapakanan ng bawat Pilipino kasi sila nagpapasweldo sa yo.

Nanenermon,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *