No To Bullying!

Dear KaPAB,

Siguro nakita niyo sa social media ngayon ang iba’t-ibang pambubully sa dalawang anak ni Kris Aquino.

 

 

Nakakalungkot na pati sila dinadamay ng mga trolls sa pambabastos. Bimby is a minor, Josh is a special child. Kung sino man ang may pasimuno nito sana tubuan kayo ng konsensya.

Galit na galit to doon sa bully na taga Ateneo, hindi ba dapat magalit din tayo kasi ito ay isang klase ng pambubully?

 

 

Synchronized ang atake, halos sabay-sabay ang post ng mga trolls.

 

 

Kahit kaninong anak pa yan, hindi dapat dinadamay ang mga bata.

 

 

Hihingi ako ng tulong sa inyo. Pag may kamag-anak o kaibigan kayo na nagshare ng memes ng mga bata, pagsabihan niyo na mali ang ginagawa. Ireport din natin ang mga trolls na gumagawa nito para matakedown ang mga post.

Hindi dapat dinadamay ang mga bata. Wala silang kalaban-laban dito.

No to bullying. Spare the children.

 

Yamot sa mga Bully,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *