NFA Hindi Na Daw Magbebenta Ng Murang Bigas

Dear Secretary Manny Piñol,

Para namang niregaluhan niyo ng problema angkababayan natin nang sinabi niyo ito.

 

Kung wala ng murang bigas, paano na ang mahihirap? Anong plano niyo sa kanila? Sabi niyo ang Rice Tariffication Bill ay magpapababa ng presyo ng bigas? Gaano kayo kasigurado eh yung problema sa rice cartel at rice smuggling di niyo pa nasosolve.

Natandaan niyo noong kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng bigas kasi depleted na ang supply ng NFA rice? May isang private supplier na nanatili pa ring mababa ang presyo. Name is Sta. Sta. Rosa Rice.

 

 

Kahit 50 pesos na ang presyuhan ng bigas, ang presyo nito ay tumatakbo pa din ng P32-37. Why I am saying this? Kasi unless makahanap kayo ng ganitong supplier na hindi nanamantala, saka pa lamang mapapawi ang pangamba ng bayan.

Maganda ang layunin ng Rice Tariffication Bill pero may mga pangamba.

Ayun sa report ni JC Punongbayan,

35-50% ang buwis na ipapataw sa imported rice, so hindi natin alam kung paano magiging affordable ang bigas sa ganyang kataas na buwis.

Pangalawa, aside daw sa buwis, kailangan bawat negosyante ng bigas ay kukuha ng “sanitary and phytosanitary import clearances” bago sila mag import.

Ok sana, pero may problema. Naalala niyo noong biglang tumaas ang presyo ng bawang?

 

Napag-alaman noon na ang pag issue ng permit pala ay binibigay lang sa mga cartels. Anong assurance na hindi ito mauulit sa pagkuha sa permit ng bigas?

May pondo pala ito na 6 billion every year for 6 years. Anong assurance ng mamamayan ns hindi ito magagaya sa Fertilizer Fund Scam noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo?

Sana bago kayo magbigay ng bagong panukala, pag-isipan niyo ng mabuti, kasi sikmura ng mamamayan ang nakasalalay dito.

 

Yamot sa Tamad Mag-isip,

PAB

P.S. Check niyo na din ang mga pulitiko na naghohoard ng NFA rice para lang maipamigay ngayong election.

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *