Netizens Pushed Back Laban Kay Bong Go

Dear KaPAB,

Kamakailan sabi ni Bong Go hindi daw niya papabayaan ang ang LSI.

 

“We cannot deprive our fellow Filipinos of their right to go home. Just do it the safe way and the correct way. Always follow the health and safety protocols and ensure that the communities they’re returning to are protected,” sabi ni Bong Go.

Kung yung safety protocols ay sa una palang nasunod na yan eh di sana hindi na naikalat ang virus sa ibat-ibang probinsiya.

Kahapon may pinatawag ang NBI na college student na nireklamo ni Bong Go.

Balat sibuyas pala ang Kuya Bong Go nila.

Akala natin matatakot ang mga netizens, pero kabaliktaran ang nangyari.  The netizens pushed back! Kaya ayun namura si Bong Go at nagtrending pa.

Sana marealize  ni Senator Bong Go na public official siya at basahin niya ang jurisprudence na ito.

Huwag maging balat sibuyas kasi elected official siya. Kung bawat pumuna sa kanya ay ipapatawag niya sa NBI mapupuno ang NBI office.

Asikasuhin niya na lang ang trabaho niya bilang senador at alalay ng Presidente.

Yamot Sa Mga Pikon,

PAB

P.S. Kung tutulungan ang LSI sana observe proper safety protocols para di na maikalat ang virus.