Negative Daw Sa Test Ang Anak Ni Faeldon

Dear BuCor Chief Faeldon,

Alam mo ang swerte ng anak mo compared kay Kian ha.

Kasi walang nanlaban na nangyari. Mayayakap mo pa rin sya.

Balita ko negative daw sa drug test ng PNP ang anak mo, good for him. Pero it does not change the fact na tumira ang anak mo sa bahay na alleged drug den for years. At may batas tayo against it.

 

So you see may haharapin pa ding kaso ang anak mo, kung susundin ang batas ha.

Pero eto lang naman ang payo ko, hindi mo kailangan gayahin si Duterte sa mga “kill, kill, kill” na statement na yan.

 

 

Una that is against the law. Parricide po ang tawag diyan. Tawagin mo man siyang idiot, reflection yun sa ‘yo bilang ama niya.

Isipin natin, baka yung nakapuslit na 6.4 bilyon na shabu na nakapuslit under your watch ay baka ang part noon ay nabenta doon sa alleged drug den kung saan nahuli ang anak mo. Saklap bes, no?

Ganun talaga ang universe.

Naniniwala Sa Karma,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *