NEDA, Saan Niyo Po Nakuha Ang Information Na ‘To?

Dear NEDA Usec Rosemarie Edillion,

Napanood ko yung interview niyo where you are explaining kung bakit mawawalan na ng NFA rice sa mga susunod na araw.

You were saying dahil ang NFA pinapakain lang naman sa aso? Saan po ninyo nakuha ang info na yan?

“… Maraming middle class ang bumibili ng NFA rice ay hindi naman para sa pagkain ng Tao… Kundi para sa aso (laughs)” – NEDA USEC ROSEMARIE EDILLON.

Parang hindi naman. Halos 10 million na Filipinos ang kumakain ng NFA rice. Sabi mo iba ang quality. Parang hindi pangkain ng tao?

 

Parang sobrang matapobre naman ang statement na ito. Kaming mga kumakain ng NFA rice ay pinapahalagahan namin bawat butil kasi mura ito. At saka ok naman ang quality.

Huwag maliitin ang trabaho ng almost 5000 na employees ng NFA na para makahatid lang ng murang bigas sa far flung areas.

Ma’am, hinay-hinay naman po bago kumuda. Ikaw din ba and nagsabi nito noon no?

Strike 2 na po kayo, mumshie.

Yamot sa Matapobre,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *