Nasimula Na Ang Paglalakbay ni Pilo

Dear Atty. Florin “Pilo” Hilbay,

Finally, magsisimula na ang iyong paglalakbay. Natutuwa ako kanina kasi maraming tao ang sumuporta sa yo.

 

Hindi binayaran. Mula sa LGBT community, kalalakihan, hanggang sa mga kababaihan, nagkaisa sila habang sumisigaw,

“Tikas at Talino

Pilo sa Senado”

“Florin! Florin! Florin!

Hilbay Ako!”

Nakita ko din kanina kung gaano mo kamahal ang mga magulang mo.

Kailangan ng bayan ang isang tulad mo na may malaking puso. Isang matinong kandidato. Nakita ko din kanina kung gaano mo kamahal ang Nanay mo.

 

“Mrs. Hilbay: Anak, naiiyak ako.

Florin: Huwag mo ako paiyakin dito.”

Alam ko, hindi madali ang kampanya. Lalo na at hindi ka naman kasing yaman ng ibang kandidato. Sabi mo nga, sa volunteers iikot ang kampanya mo. Ngayon palang lumalabas na ang mga paninira galing sa iba’t ibang trolls.

Ang importante ngayon nakafile ka na, at puwede na tayong humingi ng tulong sa mga taong nagmamahal sa ‘yo. Sabi namin noon, ang partido mo ang mamayang Pilipino. Kami ang magdadala sa ‘yo sa Senado. Handa na kaming magbigay sa #LimangpisoParaKayPilo.

Kaya natin, basta tulong-tulong tayo hanggang sa Senado.

Isang boto para kay Pilo. Tapang ng Tondo, Tapang ng Puso.

Isang Supporter,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *