Nasan na po ang Dating Faeldon?

Dear Commissioner Faeldon,

Napanood ko kayo sa hearing kanina. Medyo naawa po ako nung napaluha kayo while Senator Trillanes was questioning you. Pero medyo lang, kasi alam ko pong may pinagtatakpan po kayo.

Naalala niyo pa ba nung nag alsa kayo laban kay GMA dati kasi ayaw niyo po sa corruption?  Anyare po? Ngayon ang bagay na ayaw na ayaw niyo po ay siya naman ang nagiging isyu sa office niyo ngayon.

Kanina tinatanong kayo ni Senator Trillanes kung may corruption sa BOC ayaw niyo syang sagutin. Yes or No lang naman eh. Kahit pa magkasangga kayo dati laban sa corruption, senador pa din sya na dapat mong igalang.

Sabi mo sa interview kaya ka umiiyak kasi nadadamay ang mga matitino. Kung ayaw mong madamay ang matitino bakit hindi mo alisin ang mga masasama?  Bakit ayaw mong sabihin ang mga involve sa shipment ng shabu na yan?

Parang bumahag na po ang buntot niya. Wala na po ang dating Faeldon na buong tapang nilalabanan ang corruption. Nakain na din po kayo ng sistema.

Sayang.

Galit sa Corrupt,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *