Nasaan na po kayo Tatay Digong?

Dear Tatay Digong,

Kumusta na po kayo?  Apat na araw na naman kayong walang appearance. Malala na po ba ang sakit niyo?

Tay, sa loob po ng apat na araw, marami na po ang nangyayari.  Yung mga sibilyan po sa Marawi, yung iba namatay na sa gutom. Mukhang hindi nakarating ang relief goods sa kanila.

Tapos po patuloy pa din po ang patayan gabi-gabi. Nung nakaraang araw po 9 ang pinatay sa Navotas sa isang gabi lang po yan ha.  Kailangan niyo po ipapatigil ang pagpatay sa mga mahihirap?

Tapos Tay,  paubos na po ang supply ng Bigas sa NFA warehouse. Ano po ang plano niyo dun?  Kawawa po ang mga mahihirap kong kababayan na umaasa sa murang bigas.

Tapos ngayong umaga nasa balita, sumadsad ang palitan ng piso laban sa dolyar.

Tay, pabagsak na po ekonomiya natutulog pa din kayo.

Five-month deficit P63.6 BILLION.

$1 = P50.345

Madami na naman pong sinugod na mga detachment ang mga NPA, di ba kaibigan niyo po sila, Tay? Paano niyo po sila masasaway kung natutulog po kayo?

Tay naiintindihan ko na kailangan niyong magpahinga kasi matanda na kayo, pero sana naman po hindi ganun katagal. Kawawa na po ang bansa natin, Tay.

Kahit po pala mga Cabinet Secretary niyo hindi alam kung nasan kayo. Sabi po ni Andanar, hindi daw din po niya alam ang schedule niyo. Tay, ano na po nangyayari sa inyo? Nahihirapan na po ba kayo

Kung hindi na po talaga kaya at kung totoong may taning na po kayo, mag resign na lang po kayo at spend time with your love ones ang mga nalalabing araw ng buhay nyo. Puwede din po na gamitin niyo po ito sa pagsisisi po sa mga kasalanan niyo para pagharap niyo po sa Diyos handa po kayo.

Tay, sana po magpakita na po kayo, kasi po ang bansa natin palubog na, baka po kailangan nang palitan ang kapitan ng barko ng bansa para sa matiwasay na paglalayag para sa tunay na pag-unlad at pagbabago.

Umaasa sa Tamang Decision,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *