Nasaan Na Ang Malasakit Sa Mga Manggagawa?

Dear KaPAB,

Sa epidemya na kinakaharap ng bayan, malalaman mo talaga kung sino ang may malasakit. Naka modified ECQ na tayo. Puwede ng pumasok ang manggagawa pero walang preparasyon para sa transportation nila.

Yung iba naglakad hanggang anim na kilometro para makapasok lang. Responsibilidad ng gobyerno na iprovide ang transportation sa kanila. Bakit ipapasa na naman sa private sector?

Tinanong si Secretary Lopez kung paano pag walang masakyan ang mga manggagawa?

 

So kung absent ang manggagawa dahil walang masakyan, magrereflect daw sa character ng manggagawa? Hindi ba puwedeng magreflect ang kapalpakang ito kay Duterte?

Dapat maintindihan ni Secretary Lopez na hindi lahat ng workers ay may sasakyan. Yung mga nagtatrabaho sa pabrika saan sila sasakay? Sa walis?

Bago sana nag Modified Enhanced Community Quarantine, sana nakahanda na ang mga bagay na ito.

So walang mass transportation ang gobyerno at bahala na ang empleyado mawalan ng trabaho, ganun?

Bilyones ang budget at your disposal, pero kulang pa rin ang mga plano kung paano tayo makakalagpas sa epidemyang Ito.

Hay naku.

Yamot Sa Incompetent na Gobyerno,

PAB