Nasaan ang Pangulo?

Dear Secretary Cayetano and Secretary Abella,

Sa susunod po mag usap muna kayo bago humarap sa media.

Kahapon biglang hindi umattend ng importanteng okasyon sa bansa ang Presidente. Kaya ang Vice President na lang ang pumalit sa kanyang responsibilidad.

Sabi niyo po Sec. Cayetano,  puyat kaya tulog pa.

Pagdating naman po kay Sec.  Abella, nagpahinga daw kasi brutal ang schedule.

Lumipas ang maghapon kahapon, hanggang ngayon araw ,walang statement mula sa Presidente.

Totoo po bang may malubhang karamdaman?  Ayun sa ating Constitution,

Karapatan ng sambayanan malaman ang estado ng kalusugan nang Presidente.

Nagdududa ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *