Nasaan na ang mga Pledges from Foreign Investment?

Dear President Duterte,

Puwede pong magtanong?  Isa sa mga justifications niyo sa 501,000,000 gastos niyo sa travel niyo kasama ang sandamakmak na tsuwariwariwap ay sabi niyo, marami namang pledges at return of investment. Resibo.

Pero iba po ang sinasabi ng data about sa investment pledges. Resibo.

Ayan po klaro po. Investment pledges down sa first 4 quarter ng administration niyo. So bale yung mga junket po niyo ay walang ROI kung hindi loan lang? Eto po ang binababa sa first 4 quarters niyo.

Foreign investment pledges down during first 4 quarters of Duterte admin.

3Q 2016: -45%
4Q 2016: -9.3%
1Q 2017: -12.8%
2Q 2017: -55%

Bale lahat ng pinundar ng last administration ay naglaho na parang bula. Malulubog pa tayo sa utang. Resibo.

Mataas ang presyo ng bilihin, mababa ang palitan ng peso laban sa dolyar, kaliwat kanan ang patayan. Ano pa ang kamalasang darating sa bansa?

Wag kasi puro droga, asikasuhin niyo naman ekonomiya. Wala nang tiwala ang mga investors sa bansa, hindi ko po alam kung dahil yan sa balahura niyong bibig or dahil ang Pilipinas ay Killing Fields of Asia na sa daming namamatay,  araw -araw.

Baka gusto niyong baguhin ang pamamalakad niyo bago pa tuluyang lumubog ang ekonomiya ng bansa.

Yamot sa Balahura,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *