Nasa Lupa Na, Tinatapakan at Dinuduraan Pa

Dear KaPAB,

Kung napanood niyo ang hearing ng ABS-CBN, makikita niyo kung gaano kademonyo ang ibang  mambabatas.

Kahapon ang resource speaker nila si Jobert Sucaldito. Ang nagsabi kay Nadine Lustre na magpakamatay na lang kaya tinanggal siya sa ABS-CBN. Pati ang pagiging advance sa teknolohiya ay hinanapan na Rin ng boses ni Marcoleta.

Now it’s ABS CBN fault kasi nakakasabay sila sa Technology. Ang lala ng pag iisip di ba?

Tapos eto pa ang gusto ni Defensor.

Hindi ba maliwanag na panggigipit sa kalayaan sa pamamahayag?

Patatalo ba naman sa pananakot si Boying Remulla?

 

Syempre nag isyu na lang cease and desist order ang NTC.

Walang pakialam ang mga hinayupak na ito sa mawawalan ng trabaho. Walang pakialam kung magutom man ang 11,000 na pamilya sa gitna ng pandemya.

11,000,000 na mamamayan ang may TVPlus. 1,500,000 ang may SkyDirect. Hindi ito inisip ng mga mambabastos este mambabatas na ito.

Gusto nilang lumuhod ang Kapamilya Network. Yung feeling tinulak ka na at nadapa, ingungudngud ka pa sa lupa at duduraan. Ganito sila kademonyo.

If you are a DDS, who lost a TV plus signal or Sky Direct , just know it is Duterte who did this. Tauhan niya ang mga nasa NTC.

Huwag na kayong lumayo.

Yamot Sa Mga Demonyo,

PAB