Napansin Niyo Ang Orchestrated Attacks Ng Mga DDS Bloggers Kay Mar Roxas?

Dear KaPAB,

Inuulit na naman tayong lokohin ng mga DDS blogger. Napansin niyo kung gaano kaorchestrated ang atake ngayon kay Mar Roxas.

Mukhang may kabado sa pag angat niya sa survey.

THINKING PINOY

Syempre nagtandem sila ni Krizette. Balik Yolanda issue na naman. Hindi daw namanage ng mabuti. Minor detail na lang na bawat donation ay may sariling condition sa implementation.

 

Hindi man lang binanggit ang Mga completion sa bawat agency. Basta makatira lang.

 

 

SASS ROGANDO SASOT

 

 

Syempre umasa sa inedit na video ni Mar Roxas. Yung spliced video para gawing nilang katuwaan ang tao? Tandem naman sila ni MindaVote.

 

MOCHA USON

 

Syempre nagshare din ng kabobohan. Kahit hindi niya alam ang totoong kwento. Paliwanagan natin si Mocha.

 

FACT:

During the 2009 State of the Nation Address by President Gloria Macapal Arroyo, the police officers assigned in the Commonwealth intersection were not doing a good job of making traffic move. In the middle of the rain, Mar decided to do it himself.

Hindi naman pagpapapogi ang lumabas sa sasakyan upang tumulong ayusin ang traffic given na walang traffic enforcer na present sa area. Bumaba si Mar upang makausad ang mga sasakyan sa daan. Hindi niya na hinintay na mas maging malubha ang traffic situation sa lugar.

Nakakita siya ng problema, binigyan niya ng solusyon on the spot. May buhol sa daan at maraming naabala, ang ginawa ni Mar ay paspasang naibsan ang problema.

Pero sa lahat ng paninira kay Mar eto na yata ang pinakafoul na ginawa ng mga DDS na pinangunahan ni Mocha.

 

Yung pati mga anghel ay idadamay? Yung walang kamuwang- muwang na inosenteng bata ay hindi pa pinatawad.

Alam naman natin na ang baby ni Mar at Korina ay dumaan sa “In vitro fertilization” na kung saan kukuha ng egg cell sa babae at sperm cell sa lalake at ide-develop sa lab at kukuha ng isang babae para sa kanya i-inject ang fertilized na egg at sperm cell at siya ang magdadalang tao.

Hindi ito puwedeng gawing gimik sa pulitika kasi walang kasiguruhan kung “mabubuhay” ang egg at sperm.

Pero si Mocha at ang kanyang minions pati mga batang Ito ay ginamit para tirahin si Mar Roxas.

.

Ganoon kaevil ang troll farm na ito. Minsan na tayong niloko noong 2016, ang resulta ay nalugmok ang ekonomiya at dumanak ang dugo sa bansa.

Bumoto na tayo ng tama ngayon.

Kalaban Ng Mga Trolls,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *