Napakamahal na “First Date “

Dear KaPAB,

Unti unti nang lumalabas ang katotohanan sa hearing about sa 6billion worth of shabu kanina sa Senate.

Maraming nabanggit na pangalan na taga Davao pero ang pinaka pasabog na ebidensya ay yung text message na nagsangkot sa anak ni President Duterte.

Sa first meeting with Paolo Duterte ay magbibigay di umano ng 5 million. Ang mahal naman ng meeting na yan.  Ilang milyon ang nawawala sa gobyerno sa pagpapalusot sa mga container van na hindi nagbabayad ng tamang buwis?

Sabi sa hearing kanina, 10,000 per container van sa Davao ang bayaran para makalusot ang mga smuggled goods.

Ang masakit nito yung 6billion worth of shabu ay nawawala na. Pero ang Presidente ay tahimik dito.

Si Kian pinatay ng walang awa, pero sa mga taong involved sa 6 billion shabu ay hayahay pa din ang buhay.

Pinagloloko na tayo ng gobyernong to.

Galit sa Manloloko,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *