Napahiya Na Naman si Mocha

Dear Mocha Uson,

Narinig mo ba ang speech ni Tatay Digong mo kagabi?  Nagalit sya sa Time magazine. Kasi alam niya ang meaning ng strongman. Sana nagtanong ka muna bago ka nagpost ng ganito.

Pahiya ka teh? Eto ang sinabi ni Duterte kagabi oh.

Ayan minura niya di ba? So bakit kami magiging bitter sa feature ng Time, aber? Google mo na rin ang meaning ng “despot” para mas maintindihan mo.

Oo nga pala, yung mga staff mo na nag-popost may kapalpakan na naman oh. Kahit Linggo na, Sabado pa din. Hilig niyo kasi sa copy paste, duh.

At saka importante to ha. Huy, wag mo naman kopyahin ang blog ko, tapos nilalagay mo sa Good News Network mo. Mag-isip ka naman ng isusulat. Ang laki ng sweldo mo tapos yung blog ko pa ang pinagkakakitaan mo.

Sana man lang gumawa ka ng sarili mong write up, eh ang siste kinopya mo word for word eh. Title lang binago mo. Kapal mo di ba?

Magbasa kasi para lumawak ang vocabulary. Para malaman mo ang meaning ng “strongman”. Kasi napapahiya ka na lang lagi.

Natatawa ng Bongga,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *