Naniniwala ba Kayo sa Pautot ni Harry Roque?

Dear Secretary Harry Roque,

Nakakatawa kayo sa palusot na ginagawa niyo sa pagpapalabas niyo sa mga self confessed drug lords.

Ang palusot niyo na kunwari hindi alam ni Duterte.

Sige nga paano mo ilulusot to?

December 20, 2017 nilabas ang decision, tapos ngayon lang isinapubliko. Anyare from December to March? Ibig mong sabihin wala man lang nakapagsabi sa kanya sa nangyayari sa kaso? Luh, grabe sila oh, niloloko niyo na yata ang taong bayan eh.

Duterte’s obsession is drug war, tapos eto na napaka importanteng component sa kaso hindi niya alam na December pa may decision na under DOJ? Di ba may weekly meeting ang mga cabinet members at kasama si Aguirre doon? Gusto mo kaming maniwala na ni isa sa kanila walang nagsabi?

Hindi niyo kasi iniexpect ang backlash ng netizen na mismo mga DDS ay duda na sa administrasyong ito.

Kayo na lang magkwentuhan ni Aguirre Secretary Roque, tapos magtawag kayo ng mga pagong, ikwento niyo sa kanila yang palusot niyo.

Better yet magresign na lang si Aguirre, sumama ka na rin, para maglibot ka na for your senate run, kasi I doubt kung mananalo ka. Tse!

Yamot sa mga Palusot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *