Nang Masukol si Isidro Lapeña, Nag-iba Ang Tono Niya

Dear Commissioner Lapeña,

Kumusta naman po ang hearing niyo kahapon? Biglang nagbago ang tono Kyah? Hindi niyo inaasahan ang katapangan ni Atty. Mangaoang no?

 

 

Pinakitaan ka na ng ebidensiya, ng aso at ng PDEA, pero pinanindigan mo na wala. Pero kahapon biglang kambiyo ka nang masukol ka ng isang matapang na babae?

 

So ngayon, hanggang diyan na lang? Wala kang aalisin sa mga pabaya mong tauhan? Ay may command responsibility pala, mag resign ka na din. Wala kang pinag – iba kay Faeldon na ngayon, kumpare na ni Duterte. Remember the 6.4 bilyon na shabu? Nakalusot at hindi na nakita, walang napuntahan ang imbestigasyon. Tapos eto na naman. 6.8 bilyon pero may bago Kyah, sabi ng PDEA hindi lang 6.4 bilyon, 11 bilyon na po.

Kaya pala naging shabukay sa mura, kasi nawawala na naman. Gaano ba ka seryoso ang Presidente sa laban sa droga ha?

Huwag niyo kaming utuin, hanapin niyo ang shabung nawawala!

 

Yamot sa mga Manloloko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *