Nang Hindi Pa Ako Si Pinoy Ako Blog

Dear KaPAB,

Sinulat ko ito 2 years ago bilang si Jover Laurio. Hindi pa ako si PAB noon. Gusto ko lang siyang irepost para tingnan natin kung may pagbabago nga bang nangyari sa loob ng dalawang taon.

SA MGA ANAK NI TATAY DIGONG

Sinadya kong gamitin ang endearment nyo sa kanya kasi alam kong yun ang turing nyo sa kanya. Marahil kaya din kayo nasaktan sa post ko nung nakaraan kasi sobrang mahal nyo sya at tinuturing nyong ama ng ating bansa. Naiintindihan ko yun kasi pag mahal natin dedepensahan talaga natin kahit dumarating sa puntong mali na.

Pero di ba pag mahal natin gusto din natin syang mapabuti? Sinasabi natin ang mali nila para magbago at hindi sila pagtawanan at alipustahin ng iba. Ganun ang tunay na pagmamahal. Hindi bulag. Hindi bingi. Hindi martyr. Hindi tanga.

Naisip ko lang kung kayo ang magsabi sa kanya ng mga mali niya baka sakaling magbago sya. Bilang mga anak nya karapatan nyong dumaing na nahihirapan na kayo. Paano sya magbabago kung kayo mismo ang nagtotolerate sa mga maling gawain nya? Paano niya malalaman na apektado na pala kayo kung magiging bulag, pipi at bingi kayo sa nangyayari sa paligid?

Eto ang mga ilang daing na maari nyong sabihin sa Tatay Digong nyo.

1. “TATAY DIGONG, ang galing nyo po kasi gusto nyong puksain ang droga. Pero Tay, sana po ibahin nyo ang processo, kasi po yung anak ng kaibigan ko po na 4 years old, nabaril po. Kawawa naman ang kaibigan ko. May mga inosente na pong nadadamay… Paano po kung mapagkamalan ako Tatay? 😢😢😢”

2. “TATAY DIGONG, puwede po bang wag kayong magmura kasi po naririnig po ng apo niyo, ginagaya kayo. Ayokong lumaki syang bastos. Dapat po good example po kayo sa kanya. “

3. ” TATAY DIGONG, wala na po akong trabaho, nagsara po ang call center na pinagtatrabahuan ko, kasi po binastos nyo daw po ang bansa nila. Tay, bakit po kayo ganyan? Sinakop na nga po ng tsina ang ating karagatan at pinagbawalan ang mga kapatid kong mangisda sila pa ang kinakampihan nyo? Paano na po ngayon makakapag aral ang apo niyo ngayong wala na akong trabaho? Sana naman po, bago kayo magsalita isipin nyo kung ano ang magiging epekto sa aming mga anak nyo. “

4. “TATAY DIGONG, yung kapatid ko pong si Mary Jane na nakakulong sa Indonesia, bibitayin na daw po, ipaglaban nyo naman po siya, biktima lang po sya ng kahirapan, wala syang kasalanan. “

5. “TATAY DIGONG, bakit gusto nyo pong bawasan ang budget sa department of health? Madami pong munisipyo mawawalan ng doctor. Dun po umaasa ang mahihirap mong mga anak na walang kakayahang magpagamot. Paano na kami Tay? Tay yung budget po ng office nyo tumaas ng 600%, tapos yung budget para sa kalusugan namin tatapyasin nyo sa kalahati? Akala ko po ba mahal nyo kami? Bakit po parang ang hirap hirap na? “

6. “TATAY DIGONG, ako po yung anak mo na nagtatrabaho sa USA, ang boss ko ay isang Jew, napag initan po ako dahil sa ginawa niyong comment about Hitler. Hindi nyo po ba alam na sobrang sakit sa kanila ang kabanata na yun? Bakit nyo po kailangan gawin syang halimbawa? Tatay naman, ang hirap na po ng sitwasyon namin dahil sa lungkot kasi malayo kami sa atin, dinagdagan nyo pa sa pagbitaw ng mga salitang hindi pinag iisipan. Maawa ka naman sa amin Tay! Yung isang kapatid ko dito sinasabi niya na lang na Indonesian sya kasi nahihiya syang maging Filipino dahil sa kahihiyang pinag gagawa nyo po.”

7. “TATAY DIGONG, ako po yung anak niyo na taxi driver, patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina, halos wala na po akong maiuwi sa pamilya ko, sabi ng amo ko kaya daw tumataas ang gasolina kasi daw po bumababa ang palitan ng pera natin laban sa dollar. Kasi daw po bilyon na daw po ang nawawala sa ekonomiya natin kasi ayaw na ng mga dayuhan mamuhunan kasi wala naman daw kayong planong pang ekonomiya, puro droga lang. Tay, umayos naman kayo, kawawa naman po kami.”

8. “TATAY DIGONG, bakit po lagi nyo pong sinasabi na lagi kayong na aout of context? Kayo naman po ang nagsasalita, kayo din po ang nagmumura, kung napupulaan man kayo hindi po yata dahil sa out of context kung hindi po dahil sa bibig nyo talaga. Kasi hindi isang beses lang nangyari, maraming beses na po. Hindi po puwedeng forever na lang kayong maaout of context. Bibig nyo po talaga, Tay ang diperensya. “

9. “TATAY DIGONG, ako po yung anak niyo na beki, nagtatatrabaho po ako sa parlor, balita ko po hindi na po matutuloy ang Ms. Universe dito sa Pilipinas. Nalungkot po ako, Tay. Sabagay hindi ko po masisisi ang mga organizer, kahit sino matatakot sa araw2x na patayan at kahit sino puwedeng mapagkamalan. Pero Tay, proud po ako sa pinapatupad nyo pong all out war laban sa Abu Sayaf, kaya lang po, bakit naman po nagbayad kayo ng ransom? Para niyo na rin silang binigyan ng pera para bumili ng armas para mangidnap uli at magtanim ng bomba uli. Tay wag niyo nang uulitin yun ha”

10. “TATAY DIGONG, ako po yung anak nyo na nagsundalo, ang asawa ko po teacher. Sobrang tuwa ko po nung August ng sinabi nyo na by the end of August doble na sweldo naming dalawa. Naisip ko sa wakas puwede na kami magloan para magkaroon ng sariling bahay. Pero Tay, natapos na lang po ang September ganun pa din ang sweldo ko at asawa ko, opo yung mga kasamahan ko nakakuha nung additional combat allowance, paano naman po yung mga sundalo na wala sa combat, walang dagdag po? Wag nyong iisipin Tay, na nagmamadali kami ha? Kayo naman po ang maysabi ng buwan. Pinanghawakan lang namin pangako mo po. “

11. TATAY DIGONG, ako po matanda na, senior citizen na po pero hayaan nyo pong Tatay din ang itawag ko sa yo. Bakit mo naman tatanggalin ang VAT excemption naming mga matatanda? Pambili ko na yun ng gamot sana. Malapit na kami sa dapit hapon wag mo na kaming pahirapan pa. 😢😢😢

“TATAY DIGONG, mahal na mahal namin po kayo, kaya nga po sinasabi namin kung ano po ang pagkukulang nyo habang maaga pa, habang may panahon pa. Tay, hindi po kailangan maging madugo ang daan tungo sa pagbabago. Hanggang kaya namin ipaglalaban namin kayo, pero sana po isipin nyo pag ang nagmamahal ay paulit ulit na nasasaktan, napapahiya at nahihirapan, maaring sumuko din ito. Kung ang jeep nga, pag napupuno, umaalis e, ang tao pa kaya? TATAY, nahihirapan na po kami… 😢😢😢”

Yung nabigyan lang ng solusyon dito ay ang Ms. Universe na natuloy at ang pagdoble ng sweldo ng mga sundalo, ang mga guro hanggang ngayon naghihintay pa din.

Saan na nga ba tayo?

Nanlulumo Para sa Bansa,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *