Nanaig ang Boses ng Bayan!

Dear Secretary Wanda Teo,

Mabuti naman po at hindi niyo na itutuloy ang junket niyo to Norway at Iceland. At least nakahanap kayo ng konsensiya. At naloka ako sa justification niyo sa travel ng DOT ha.

Nandun na po ako na kailangan mag undergo ng Gender and Awareness Development ang kawani ng gobyerno, pero por Diyos por Santo naman bakit kailangan sa Norway at Iceland pumunta?  Hindi ba puwedeng pumunta na lang kayo ng Davao or Naga City?  Both city ay may mga best practices ng Gender and Development.

Ang sosyal niyo kasi Norway and Iceland talaga. Paano kung ang bawat kawani ng gobyerno ay mag field trip din?  Eh di kawawa si Juan? Hay naku, nakakatawang palusot.

Anyway, ang importante narinig niyo ang sigaw ng bayan. Paano na lang kaya kung hindi kayo nabisto ng maaga? I’m sure hayahay kayo ng one week sa Norway and Iceland.

Buti na lang malakas ang sigaw ng netizens, at bigla kayong nahiya.

Yamot sa mga Palusot,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *