Nakasakay sa Tsubibo ang Mga Pilipino kay Duterte

Dear KaPAB,

Ganito po tayo pinapaikot ni President Duterte sa kampanya niya laban sa corruption.

1. Martin Diño, nabalitang may anomaliya sa SBMA. May 16 na bodyguards di umano ito. Tinanggal nga, nilipat naman.

2. Mocha Uson. Balitang walang nakasundo sa departamento, inalis sa MTRCB, pero ini appoint uli.

3. Lorraine Badoy. After ng child porn statement sa EU, inalis daw sa DSWD, pero nilipat naman sa PCOO.

4. Bato. Pinayagang mag retire para maappoint sa Bucor?

5. Faeldon. Naimbestigahan sa 6.4 billion na shabu. Natanggal sa BoC, ililipat lang pala. Tapos nag ninong pa ang presidente, akala ko ba whiff of corruption lang?

6. Arnel Ignacio. Tinanggal sa PAGCOR, pero nilipat naman sa OWWA.

7. Pompee Laviña. Tinanggal sa SSS, napabalitang baka daw dahil sa anomaliya. Pero tinanggal nga, binalik naman ngayon.

Ipagmamayabang na marami siyang tinanggal dahil sa corruption pero binabalik naman. Parang garbage in garbage out lang.

War on Drugs, palpak. Maraming namatay may droga pa din.

Fight against corruption, palpak kasi mga corrupt naman ang nasa paligid niya.

So paikot-ikot lang no? Paikot-ikot na panloloko.

Yamot Sa Pekeng Presidente,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *