Nakapanlulumong Ekonomiya ng Bansa

Dear Finance Secretary Dominguez,

Kahapon nag talk show ang Poon mo pero ni isang solution para sa ekonomiya natin wala syang sinabi.

Ikaw naman, pilit ng pilit pa din sa TRAIN 2 kahit hirap na ang bayan.

Hindi niyo ba nakikita na halos yung iba tubig na lang ang iniinum para makaraos lang?

Ang palitan ng dollar laban sa peso sumadsad na.

Tapos hanggang ngayon wala pa din kayong maisip para mapigilan ang pagtaas ng inflation rate?

May mga Japanese company na nagbabalak umalis pag tinuloy mo ang TRAIN 2.

Naisip mo ba kung paano ang mga mawawalan ng trabaho?

Ang tawag niyo sa TRAIN 2, TRABAHO. Bagay kasi mukhang marami ang mawawalan ng trabaho.

Yan ang hirap pag sugod lang nang sugod na hindi pinag-aaralan eh. Kawawa and taong bayan.

Baka gusto niyong mag isip ng solution kasama ng mga economic managers niyo?

Ang taas na ng bilihin oh.

Alam ko milyonaryo kayo at maaaring hindi kayo apektado, pero paano naman and mga ordinaryong Pilipino? Papatayin niyo ba sila sa gutom?

Hay naku.

Yamot sa Incompetent,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *