Nakakahawa yata ang Kapalpakan

Dear Secretary Wanda Teo,

Nabalitaan niyo po siguro kagabi ang kapalpakan ni Martin Andanar. Natawa po rin ba kayo?  Naku, pigilan niyo pong tumawa. Kasi po yung office niyo may kapalpakan din po.

Exhibit A

May nagreklamo sa picture na ninakaw niyo. Eto po ang post ni Bidge Villorya

Very happy that DOT national is promoting the happy island! But why use a low res screen cap and not credit Gabs Batallones the videographer,who was shooting for Bicol Surf Jam. Its very low res, but you can still identify John Mark Tokong going for a bottom turn to off the lip maneuver. Credit should also be given to the event in which this screen cap happened, Puraran Surfing Cup 2015. Considering the DOT has a multi million budget, they should have at least given credit to the work and effort behind the image, if they didnt want to spend money buying a photo/image.
P.S. Those pixels! Too much pixels! TOOOO MMUUUUCCCHHH PPIIIXXELLATION!”

Hindi niyo na nga binayaran ang kumuha ng picture, hindi niyo pa binigyan ng credit man lang. Ang dami niyong pondo tapos yung mga maliliit na underwater photographer pipiratahin niyo pa. Tubuan naman kayo ng hiya. Hindi na kayo naawa.

Exhibit B

Luh ang Boracay at Banaue parehong nasa high altitude?  Copy paste mga bes? Maghanap naman kayo ng matinong writer sa website niyo. Sayang ang tax ng bayan sa output na kapalpakan.

Secretary Wanda, alam ko po magkapareho kayo ng partido ni Martin Andanar, pero hindi niyo kailangan gayahin ang kapalpakan ng PCOO.

Isumbong ko kayo kay Tulfo, eh. Ay, kapatid niyo pala yun… 😂😂😂

Yamot sa Mapagsamantala,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *