Nakakagalit na Pahayag

Dear General Bato,

Kailan pa naging normal ang maraming patay sa isang operasyon? Parang inamin niyo na rin na incompetent kayo.

Ngayon may ibang narrative kayo just to justify the killings?  Kesyo runner si Kian, pusher ang Tatay at Uncle. It took 4 days for you bago ilabas yan? Hindi niyo na maloloko ang taong bayan. Pinatay niyo ang isang bata na walang kalaban-laban. Hindi nagsisinungaling ang video. Pinatay niyo siya na parang hayop. Nagmakaawa sya, hindi niyo pinakinggan. Anong laban ng isang bata sa tatlong pulis?  Nanlaban?  Saan ilalagay sa boxer short ang kalibre45? Puwede mong maconvince ang mga DDS na bulag pero yung mga gising na taong bayan, nakikita na nila ang kahayupan niyo.

Sabi mo pa hindi ka Diyos para makontrol lahat?  You encouraged the killings! Enabler ka din. Someday mananagot kayo sa Diyos sa lahat ng kahayupan na ginawa niyo. Hintayin mo lang.

Galit sa mga Asal Hayop,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *