Nakakabinging Katahimikan

Hi Guys!

Kumusta po kayo ngayon? Daming problema sa trapiko pero parang hindi ko po kayo magaling naririnig na nagrereklamo?  May pigsa po ba dila niyo? Nakakabinging katahimikan.

Ikaw Manong Ted, dati kung maka batikos ka kay Abaya at Pnoy dati everytime nasisira ang MRT, wagas. Sa TV at sa radio show niyo, walang habas niyong pinapasaringan lagi si Pnoy. Ngayon 4 times in a day nasisira ang MRT bakit po napaka hinhin niyo na, wala na kaming masyadong naririnig na pagbatikos po. One year na si Duterte oh, traffic pa din. Wala bang mura or kahit voice record na “Hoy Gising! “? Takot po ba kayo? Di ba pag waray matapang? Magpa appoint kaya kayo ng chairman ng MMDA kay Duterte, para kayo ang magsolve ng mga nirereklamo niyo dati. Magaling kayo po eh. 😏😏

Ikaw po, Ka Noli, napipi na din po kayo. Dati kung makabatikos kayo pag nagrereport na kayo about traffic noong panahon ni Aquino, walang humpay na batikos ang ginagawa niyo. Ngayon maamo kayo na parang tupa. Ay oo nga pala, nasa gobyerno na nga pala ang anak niyo na si Kat de Castro. So deadma na ang traffic at MRT problems, Usec na ang anak eh.  Ngayon ko lang narealized nakaka pipi pala ang pwesto sa governor. 😏😏😏

Hi Ka Tunying!  Idol ko po kayo dati. Lagi akong nakikinig sa inyo ni Kuya Gerry, tapos sa umaga din nanonood ako ng Umagang Kay Ganda. Lakas niyong bumatikos dati sa nakaraang administrasyon. Kulang na nga lang pati pag hatching ni Pnoy gawan niyo ng issue eh. Pero ngayon laganap ang patayan, mga inosenteng bata nadadamay, ang daming problema ng bansa, pero yung boses niyo para ng pabulong. Ni hindi niyo madirekta ang presidente sa pagbatikos eh. Sabagay love pala ni Digong ang INC. Kaya OK lang tumahimik kahit lubog na ang bansa .

Guys, galaw-galaw naman diyan, baka mastroke kayo ha. Kailangan namin ngayon ang tapang niyo, hindi nakakabinging katahimikan. Wag maging bulag, pipi at bingi. Palubog na ang Pilipinas, baka wala na kayong makapitan.

Yamot sa Sipsip,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *