Ang Isda Nahuhuli sa Sariling Bibig

Dear Solicitor General Calida,

Nabasa ko po sa news na sinabi nyo pala na May 18 palang alam niyo na ang plano ng Maute Group.  Ang dami tuloy katanungan sa isip ko.

Kung 5 days niyo pa alam before the attack, bakit hindi niyo po pinigilan?

Kung 5 days before the attack alam niyo na, bakit sinama niyo pa rin si Secretary Lorenzana at General Año sa Russia?

Kung 5 days before the attack alam niyo na, bakit hindi niyo sinabihan ang mga military to prepare?

Kung 5 days before the attack bakit hindi nyo nainform ang LGU na maghanda OR mag evacuate sa lugar?

Kung 5 days before the attack alam niyo na,  bakit wala man lang nag inform sa mga taga Marawi?

Anong silbi ng milyones intelligence fund kung ang nakalap niyong intelligence ay hindi niyo sinasa alang-alang ang kapakanan ng taong bayan?

Madami nang namatay na sundalo at sibilyan na puwede sanang maiwasan kung nagshare lang kayo ng tamang information sa proper channel.

Paano niyo ngayon ipapaliwanag sa pamilya nila na may alam na pala kayo 5 days before the attack?

Nagagalit ng Sobra,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *