Nahawa na sa Kabastusan

Dear Super Radyo DZBB,

Napanood ko ang isa sa mga show niyo kanina. Resibo.

Hindi ko lang alam kung sadyang INSENSITIVE lang ang mga host niyo dito na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Susan Enriquez or talagang mean lang talaga ang station niyo.

Tinalakay niyo ang nangyari sa kasamahan niyo sa media na Rappler. Pero ang paraan ng pagtalakay niyo ay insulting na parang tuwang tuwa pa kayo. You made fun of other people’s misery.

Ginawan niyo ng kanta saying sa lyrics na susunod na ang ABS-CBN. Resibo.

Tapos ang background tawanan, tapos parang kinukutya niyo pa si Maria Ressa sa lyrics. Resibo.

­

Ewan ko ha, mga respetado ang mga host niyo pero sobrang insensitive. Hindi ito oras na kailangan magpatawa at mangutya, kasi kasamahan niyo sa industriya ang nasa pangit na kalagayan.

Sa tingin niyo ang nangyari sa Rappler ay hindi puwedeng mangyari sa inyo? Huwag kayong makakasiguro, kasi salaula ang gobyernong ito. Baka paggising niyo isang araw, kayo naman ang tatanggalan ng lisensya. Sana naman hindi kayo mahawa sa kabastusan.

Hindi man lang ba kayo nakonsensya, na ginagawa niyong katatawanan ang pang-aapi ng rehimeng Duterte sa kasamahan niyo sa industriya? Grabe kayo, tinuturing pa naman kayo na haligi ng industriya.

Wag bargas, kasi baka pag sa inyo mangyari bargasin din kayo. Sa kagustuhan niyong tatlo maging magaling nakalimutan niyo maging mabuti. Hmp!

Yamot sa mga Bastos,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *