Nagsalita, Nilait, Bumangon at Nagtagumpay

Dear KaPAB,

Eto ang isang kwento na ng tagumpay. Siya si Alebeth de la Calzada.

Dati siyang law student. Isa sa mga taong pinahiya ni Sass Rogando Sasot. May naging teacher sya na DDS, si Sarah Arriola. Siya yung isa sa mga involved doon sa Kuwait video na naupload na muntik magpahamak sa mga OFW at opisyal ng embahada.

Eto ang screenshot kung paano nila pinagtulungan si Ms. Alebeth dela Calzada.

Sinabihan ni Arriola si Ms. Alebeth noon na nasa bottom ng class, at nilait ang grades niya. Daming mga DDS na nagreact, nakatanggap siya ng mga hate messages. Pinagtulungan siya ng teacher niya at ni Sass noon.

Hindi siya umimik ang ginawa niya nagsikap siya sa pag-aaral last Bar Exam, isa siya sa mga nakapasa sa bar.

Yes, CPA lawyer na siya. I don’t think na mahina si Atty. Alebeth gaya ng panlalait na ginawa noong teacher niya kasi next to Bar and Medical Board Exam, Accountancy ang isa sa pinakamahirap din na exam.

Habang yung nanlait sa kanya ay na-involved doon sa Kuwait controversy, ang nilait naman ngayon ay pumasa sa bar exam with flying colors at ganap ng abogado.

Totoo ang kasabihan na kung sino ang binababa ng tao ay siyang tinataas ng Diyos.

Si karma talaga mabilis, alam niya kung sino ang tatamaan ng good at bad karma.

So sa lahat ng mga nilalait kasi nagsasalita para ipagtanggol ang demokrasya, ok lang matakot pero wag tayong tumigil magsalita. Kailangan punahin ang mali, purihin ang tama. Gaya ni Atty. Alebeth, magsikap pa din, para maging productive citizen tayo pero may pakialam pa din sa nangyayari sa lipunan.

Sana maging inspiration ang story niya sa atin mga KaPAB.

Inhale Courage Exhale Fear,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *