Nagsalita na si Senator Bam

Dear KaPAB,

Kamakailan binalita sa mga pahayagan na kesyo gusto daw sumanib ni Senator Bam Aquino sa partido ni Sara Duterte. Eto ang naging pahayag ni JV Ejercito. At sinakyan ng mga bloggers.

Nagbigay na po ng sagot si Senator Bam.

Tama po sya, mas maganda ang partido na may adhikain na marangal. “THE RESISTANCE” ang kailangan. Resistance against tyranny, misoginy, and extrajudicial killing.

Puwedeng sumama ang mga reelectionist sa “The Resistance”. Iba’t ibang partido pero iisa ang adhikain. Ang protektahan ang mamamayan at tumulong sa bayan.

Pero tama din si Senator Bam, na masyado pang maaga, magtrabaho muna. Natapos na ang #Nakawload na problema natin, inaayos na din niya ang pagpukpok ng refund ng tuition fee noong second sem. Ngayon gumawa sya ng bill para sa mas mabilis na internet sa ating lahat.

Lagi syang sinisiraan, pero hindi matatawaran ang serbisyo niya sa taong bayan.

Samahan natin si Senator Bam sa laban na ito, para sa bayan.

Tutulong sa The Resistance Party,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *