Nagresign o Tinanggal

Dear President Duterte,

Balita ko tinanggap niyo na daw po ang resignation ni Aguirre, aba mabuti naman. Pero sana yung mga kagaguhan na pinag-gagawa ni Aguirre, ayusin niyo din kung talagang sincere ang pagtanggal niyo sa kanya.

1. Alam mo naman siguro na drug lords ang ginawa niyong testigo sa pekeng kaso niyo kay Delima di ba? Kung talagang sincere ka, dapat palabasin niyo na siguro si Senator Leila de Lima.

2. Yung bribery scandal sa Bureau of Immigration kung saan sinadyang bawasan ng 1000 ang 50M na bribe money, para makaligtas sa plunder na kaso. Dapat kasuhan niyo ang dapat kasuhan.

3. Yung pag acquit sa mga taong involve sa bilyones na shabu. Yung mga big time nakalabas pero yung caretaker nakakulong?

4. Tanggalin niyo si Napoles sa witness protection programa, kasi yun naman ang tama.

5. Puwede niyo nang ibalik ang mga drug lord na pinawalang sala ni Aguirre. Panindigan niyo.

6. Tapos since sila ang nagtakip sa mga nangyayaring extrajudicial killing, ngayon pabuksan niyo ang mga kaso ng pang aabuso.

Ayan ha, dami ko nang suggestion, sana sundin mo. Libre na yan, wag ka nang magbayad. Huwag matigas ang ulo.

Self-proclaimed Adviser ni Duterte,

PAB

P.S. Huwag mong ipalit si Calida sa DoJ. Magkamukha lang sila ni Aguirre.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *