Nagpakamatay o Cover up?

Ang daming theory na lumabas sa nangyari sa Resort World. Sabi sobra sa lima ang namaril, ang sabi ng iba isa lang.

Sabi robbery, ang iba naman terror attack. Sabi ng PNP,

“Binuhusan ng gunman ang sarili niya ng gas and covered himself with a blanket and ignited it. Bago yun, binaril niya muna sarili niya”

Eto ang narelease na larawan ng namatay na gunman.

Nakahiga ang lalake habang nakayakap sa baby armalite. Tanong,

Kung binaril niya ang sarili niya sa ulo baga niya sinunog sarili niya, bakit nakayakap pa rin siya sa armalite?

Kung sinunog niya muna sarili niya bago binaril, hindi po ba puwedeng hindi na siya makabaril, kasi nagliliyab na siya?

At kung sakali namang sinunog niya sarili niya, hindi ba dapat nagwawala sya sa sakit dahil sa apoy?

Bakit ang larawan niya nakahiga na parang natutulog lang sya habang nasusunog?

Eto nga ba ang tunay na salarin?

Ang daming katanungan dahil sa mga conflicting statements ng mga kinauukulan.

Sana magkaroon ng linaw sa lalong madaling panahon para maibigay ang hustisya sa mga namatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *