Naglilinis Na Naman Ng Kalat si Panelo

Dear KaPAB,

As expected pinagtanggol na naman ni Panelo ang adviser ni Duterte na si Diño.

Kasalanan daw ng piloto. Weh? Kung sasakay ka ba ng taxi, ok lang na kahit saan ka ihinto ng driver?

Yung mga karaniwang tao lagi ang nasisisi. Hindi ba nagtaka si Diño bakit siya niland doon? Eh kita naman sa larawan na pinacheck muna sa tauhan bago bumaba eh.

 

At teka napansin niyo ba yung kulay ng helicopter?

 

Hindi ito government chopper. Familiar ang ganitong kulay eh. Di ko lang matandaan kung saan. Pero ang tanong, may Airline Operators Certificate ba ito issued by CAAP to legitimate Commercial Charter Operators? Kasi kapag walang AOC ay hindi dapat nagpapa-rent ang owner, meaning colorum yun lipad.

So sino ang may-ari ng chopper?

Until Further Investigation,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *