Nagkakalat ang mga Trolls sa YouTube

Share ko lang sa inyo.

Meron po kasi akong video na nakita sa YouTube. Galing po ito kay Pinoy Chicharon. Nag post po siya ng isang speech ni VP Leni. May dagdag din po siya na balita galing sa CNN pa tungkol sa isang nadukot na pari sa Marawi.

Dun po sa sinabi ni VP Leni… pinanood ko po yung video ni Pinoy Chicharon. Naghahanap po ako kung may maling na sabi si VP Leni. Parang wala naman po.

Una, binigyan siya ng briefing ng Armed Forces of the Philippines tungkol sa Marawi.  Bilang Bise-Presidente po natin ang trabaho po niya ay mamuno at para po magawa niya yung trabaho po niya ay sympre, alam niya ang mga ngyayayri. Wala naman pong masama dun, diba? Nagsisilbi po siya sa Bayan.

Buong puso din po ang suporta ni VP Leni sa mga sundalo po natin. Sinabi po niya yun sa video. Tama naman po, di ba? Sino naman pong Pilipino ang hindi gustong pagsuporta sa AFP? Lalo na po ngayon may krisis sa Marawi. Check po yun, di ba?

Sabi po ni VP Leni na tinanong niya ang AFP kung anong maitututlong niya. Tama naman po. Di po ba? Bilang isang opisyal ng pamahalaan kahit wala po siya sa Cabinete, nagtatanong po siya kung ano ang magagawa po niya. Wala naman pong masama dun, hindi po ba?

Ang sabi po ng AFP, makiusap po siya sa mga mamamayan na limitahan ang pag share ng mga photos or patungkol sa Marawi. Kasi sabi po nila kasama po yun sa gusto ng mga terrorista. Na matakot po tayong lahat. Hindi din naman po nakakatulong yung basta basta nagkakalat ng balita… na hindi pa po confirmed. Nakakadagdag po yun sa panic at kagulohan. Wala naman pong masama dun, di po ba?

So bakit po yung mga comments sa YouTube ganito po:

Terrorista ang mga dilaw? Hindi po ba yan ang “go to response” ng mga… Ka-DDS pag wala na po silang masabi? Lahat po ay kaaway. Wala naman pong sinabi si VP na pagcritic sa ginagawa ng AFP o pang-aaway.

“Brand” daw yung mag pa-cute. Hindi naman po kasalanan ni VP na maganda siya.

Yung mga nagpost po ng comments… totoong tao po ba sila…? Baka naman po, puro mga fake troll accounts?

HIndi po ba… dapat naman po nasa lugar yung pagbabatikos?

Isa na naman tong propaganda laban kay VP Leni. Kung tutuusin tumutulong na nga at lahat binabatikos pa din. Most of the trolls are free data so I doubt kung napanood nila ang video.

Pilitin mang siraan si VP Leni, lalabas at lalabas pa din ang katotohanan. Tao na ang maghuhusga sa Ina ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *