Nagkaisa Ang Tondo Para Kay Pilo, Sinabayan Pa Ni Agot Isidro

Dear KaPAB,

May kuwento ako sa Valentines Day kahapon.

Kahapon naglaunch sa Tondo ang mga volunteers ni Pilo.

Isang simpleng launching na dinaluhan ng mga tao sa iba’t-ibang panig ng Tondo at Pilipinas.

Nakita mo kung paano nag #Hilbayanihan ang mga tao.

Iba ang mga taga Tondo magmahal. Pag tumaya, all out talaga.

 

Para sa mga taga Tondo, istorya ng mga ordinaryong Pilipino ang istorya ni Pilo. Istorya ng isang Pilipinong nagsikap para makaahon sa kahirapan. Istorya ng Pilipinong nagmamahal sa bayan at gustong makatulong sa bansa. Istorya ng paglalakbay sa imposibleng daan pero magiging posible sa tulong ng bawat isa.

Dumating din si Agot Isidro.

 

Minsan nang sinabi ni Agot na tataya siya kay Pilo sa video na to.

 

Agot Isidro: I Trust Pilo Hilbay With All My Heart

 

Maaaring walang pera si Pilo. Maaaring hindi siya sikat gaya ng iba. Pero ang puso ni Pilo ay para sa Pilipino.

At gaya ni Agot Isidro, ipagkatiwala natin ang boto natin kay Pilo.

 

Isang Supporter,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *