Nagkabistuhan Na Sa Bureau of Customs

Dear Commissioner Lapeña,

Kumusta naman yung sinasabi mo na yung naamoy ng aso ng PDEA na P6.8 bilyon na shabu ay assumption lang?

 

Kahit naamoy na ng aso ang shabu, deny to death pa din kayo. Mismong PDEA Chief na ang nanindigan noon, pero pilit niyo pa ring pinagtatakpan.

 

Kahit ang Presidente, pareho kayo ng linya.

 

Pero ngayon may lumabas na bagong testigo. Pinatunayan ni Atty. Ma. Lourdes Mangaoang na totoo nga na may shabu base sa mga X-ray image na hawak niya.

 

Baka gusto mo nang magresign sa position niyo? Nakakahiya naman di ba?

Tama si PDEA Chief Aquino, may pananagutan ka, kasi ikaw ang lider ng ahensiya. Ilang buhay pa ang masisira ng P6.8 bilyon worth na shabu na nakalusot sa inyo?

Huwag makapal ang mukha, magresign na po kayo.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *