Nagbago Na Ang Ihip Ng Hangin Para Kay Manny Pacquiao

Dear Senator Manny Pacquiao,

Nanalo kayo sa boxing kahapon, pero sa boxing laban sa extrajudicial killings, misogyny, karapatan pantao at pambabalahura sa Panginoon, talo kayo.

Bagamat nagdala ka ng karangalan sa ting bansa, hindi maikukubli kung paano mo pinikit ang mga mata mo sa pagdanak ng dugo ng mga kababayan mo.

Naaalala mo ba ang mga panahon na halos tumitigil ang pag-ikot ng mundo sa bawat laban mo? Walang traffic sa bansa pag may laban ka. Ngayon halos bargain na ang mga ticket sa laban mo. Eto na ang traffic sa araw ng laban mo ngayon.

Humihina na ang mga palakpak, ng mga taga hanga mo. Dapat kasi wag kang huwad na kristiyano. Huwag mong laitin ang kapwa mo.

Dapat matutunan mong igalang ang mga kapatid natin na nabibilang sa LGBT community. Dapat matutunan mong ipaglaban ang buhay ng bawat isang Pilipino.  Hindi lahat sinwerte katulad mo, na after naging drug user ay binigyan pa ng chance na magtagumpay. Yung karamihan sa mga namamatay kahit nakatambay lang, todas.

Kung ang palakpak ng taong bayan ang nagdala sa yo sa pagiging senador, ang palakpak din nila ang magbabalik sa iyo sa baba.

Sinayang mo ang pagkakataon na binigay sa iyo ng taong bayan.

Yamot sa mga Sipsip,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *